RSS

Isang Pagpupugay sa Makulay na Buhay

(Birthday Song playing)

Maligayang Kaarawan Aking Kaibigan!

Dahil walang IBANG makakabasa ng entry na 'to napag desisyonan kong sabihin lahat ng nais kong sabihin sa loob lamang ng Labing siyam na minuto at pagkatapos ng Labing siyam na minuto ay magkakaroon ng karagdagan labing siyam na segundo para itama ang mga nais at isaayos ang mga salita at pangungusap. Nawa'y mabigyan ko ng hustisya ang mga salita at magamit sila ng angkop at maayos. Para simulan, gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal sa akin, hindi ko man maiparamdam ang lubos kong pagmamahal sa inyo nais kong malaman ninyo na ako ay nagagalak na nagkaroon ako ng mga mapag-unawang Pamilya at mga Kaibigan. Batid ng aking puso ang walang katapusang pasasalamat sa aking Nanay at Tatay sapagkat kung hindi dahil sa kanila, tiyak, wala ako dito ngayon. Higit sa lahat sa aking mga minamahal na kapatid, maraming salamat sa inyo, huwag kayong mag-alala makakamit natin ang mga nais natin sa takdang panahon. Hindi ko man maibigay sa inyo ang lahat ngunit naisulat ko na kung ano mga nais kong ihandog sa inyo, siguro ito'y magsisilbing munting regalo sa mga panahong tayo'y magkasama at ang hindi mapantayang pagsasama nating magkakapatid.
(The Distance playing)

Nais ko ring pasalamatan ang aking mga kaibigan na siyang aking kasakasama sa loob ng tatlong taon. Ang mga alaala natin sa dormitoryo at boarding house ay magsisilbing masasayang alaala na tiyak akong mananatili sa ting mga puso. Sa mga "gala moments" natin sa downtown, 24 hours McDo kuwentuhan at Jacksridge unplanned moments na hindi malilimutan. Sabay tayong magtatapos sa April 2009!
(Pagsubok playing)

At higit sa lahat sa mga taong Naging parte ng aking buhay. Nauukit ang kirot na naranasan ko sa mga alaalang pilit na nagpapaala sa akin sa ating mapait na nakaraan. Hindi man ako naging mabuting kaibigan sa iyo nais kong malaman mo na mahal na mahal kita. Hindi ko man naipadama sa iyo na ikaw'y importante nais ko lang malaman mo na ikaw'y nagsilbing masayang alaala. Ang away-bati moments natin noon sa JICA building, ang Talong at harutan moments tuwing Christmas party at ang Tukso moments natin sa ating mga Crush, Hindi ko man maibalik ang takbo ng oras ngunit ang alaala natin, mapait man o makulay, malungkot man o masaya ay angkop na para mapatunayan kong naging masaya ako Noon, at mas naging masaya ako ngayon. Magkahiwalay man ang landas natin ngunit ang mga alaalang iyon ang siyang nagbubuklod satin. Muli, pinapanalangin kong nawa'y magkaroon tayo ng makulay na bukas at sana kung magkrus man ang landas natin makisama sana ang TADHANA. Salamat kaibigan, salamat sa tawanan at sa mga sulat mong patuloy na nananahan sa aking puso.
(Makita Kang Muli playing)

Mukhang malapit ng matapos ang mga gusto kong sabihin ngunit hindi ko pa nasasabi ang isa ko pang nais ipalabas o ipabatid. Sige, sisimulan ko na. Para sa'yo tong huling "talata". Ikaw! Oo, ikaw! Salamat sa'yo aking pinakamamahal na matalik na kaibigan. Sana nakilala kita noon pa para mahaba-haba ang ating pagsasama. Mahal na mahal kita. Hindi ko man maiparamdam kung gaano ako kasaya, sana Kahit Papano maramdaman mong Importante Ka! Salamat sa masasayang alaala, sa mga Sleep-over Sessions ko, Gala Moments kahit di enough ang datong, Away-Bati-Away at Away moments, Poetry Sessions, Chat/Chikka Moments natin, lahat 'yan naranasan ko, ang tinatawag nilang Kaligayahan. Hindi ko alam kung bakit kita lagi inaaway pero sana isipin mo na kahit ganyan ako, di ko nanaising makipag-away sayo ng super tagal. Bati sana tayo Always. Alam kong hindi ka makakadalo sa aking kaarawan, okay lang yun sa akin, di naman yun makakasira ng pagkakaibigan eh. Sana sa muli nating pagkikita, wala sanang nagbago sa atin. Kung ano mang desisyon ang nanaisin mo, hindi na ako makikialam (LOVE LIFE TO BE SPECIFIC). Alam kong malaki ka na. Marami akong mga Ayaw sa mga desisyong binitawan mo pero okay na lang yun lahat sa akin kasi alam kong ginusto mo Lahat yun. Sana sa mga natitirang buwan na tayo ay maaring magsama, punan sana natin iyon ng di malilimutang mga alaala. Masaya ako at ikaw ang aking Matalik na Kaibigan, sana ganoon din Ikaw. Mahaba-habang talata ang maisusulat ko tungkol sa'yo ngunit kelangan ko ng wakasan ang entry na 'to.

(Dahil Ikaw playing)
*fade-out*
(Breakaway playing)


At sa muli, nais kong Pasalamatan ang mga taong nagbigay kulay at naghandog ng kasiyahan sa munti kong buhay. Mahal ko Kayo. Maraming Salamat!

(Sweet Escape playing)

P.S
Sa mga lalaking minamahal ako,Patuloy pa sana ninyo akong mahalin. Haha.Hindi ko man masuklian ang pagmamahal na binibigay ninyo sana maramdaman ninyo na hindi lahat ng taong may gusto sa akin ay binibigyan ko ng atensyon. Suwerte na kapag magrereply ako ng :) (smiley) at hindi matatarayan. Hintay-hintay lang. Ika nga nila, Love Can Wait and Love SHOULD WAIT. :) Keep loving me Boys. hahaha

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 endeavored to criticize:

gkae said...

ana ged best! jojo's song playing, "im way too cool for you boy that's why it'll never work.. i had you suicidal..." :-)

i love you best! mwah!

Damsel said...

i love you too best. mwah mwah, super duper. hehe